Nakatengga pa rin sa Kamara ang tatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, na hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad sa Office of the Secretary General ang tatlong inihain na impeachment.
Maliban dito, inaabangan pa rin anya ng mga mambabatas kung kailan ihahain ang ika-apat na impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.
Umaasa naman ang kongresista na mabibigyan ng hustisya ang mga Pilipino hinggil sa usapin ng paglustay o paggamit ng pondo ng confidential funds ng Office the Vice President.