Nasabat ng militar ang 3 improvised explosive device (IED) at iba pang mga kagamitan ng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiyah terrorist group sa Maguindanao.
Ito’y kasunod ng isinagawang combat operations ng militar bilang bahagi ng inilatag na seguridad para sa taunang “sinugba” festival sa bayan ng Midsayap.
Batay sa ulat ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, nagsasagawa ng combat operations ang mga sundalo mula sa 57th Infantry Battalion nang makuha nila ang 3 IED sa Barangay Inadalan, Shariff Saydona Mustapha.
Ayon kay Lt Col. Edwin Alburo, Commanding Officer ng 57IB, inilagay sa loob ng jetmatic pumps ang 2 sa narekober na IED habang ang isa naman nakalagay sa apat na litrong bote ng tubig.
Sa kaniyang panig, sinabi ni Army’s 601st Brigade Commander Col. Jose Narciso, na isa sa mga dahilan sa paglunsad ng combat operations ay para mamonitor at kumpiskahin ang mga terror devices ng naturang mga grupo.