Arestado ang tatlong hacker na umano’y sangkot sa pagmamanipula sa Smartmatic na poll system provider ng Comelec sa Halalan 2022.
Kinilala ang mga naaresto na sina Joel Ilagan, alyas ‘Borger'; Adrian Martinez, alyas ‘Adminx’ at Jeffrey Ipiado, alyas ‘Grape, Vanguard, Universal at LLR.
Natimbog ang tatlo sa magkahiwalay na entrapment operation ng PNP-Anti-Cybercrime Division at DICT-Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa Imus, Cavite at Sta. Rosa, Laguna noong Sabado.
Bukod sa pagmamanipula, kaya rin umanong baguhin ng hackers ang resulta ng halalan sa pamamagitan ng pagpasok sa Smartmatic system.
Karamihan umano sa mga kliyente ng mga suspek ay pawang mga pulitikong kumakandidato.