Patuloy na nakabantay ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pagdating ng kalamidad kahit ngayong panahon ng kapaskuhan.
Ito’y makaraang yanigin ng magnitude 6.3 na lindol ang bahagi ng Calatagan, Batangas mag-aalas otso ng umaga sa mismong araw ng Pasko kahapon.
Ayon kay Office of the Civil Defense at NDRRMC Spokesman Mark Timbal, may napaulat sa kanilang tatlong kabahayan ang bahagyang napinsala ng lindol sa Lubang, Occidental Mindoro.
Subalit hanggang sa ngayon, wala pang naiuulat sa kanilang anumang casualties ng lindol bagama’t patuloy pa rin silang nangangalap ng ulat mula sa kanilang mga tanggapan sa field.