Tinatayang aabot sa P147-M halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Caloocan City Police.
Ito’y kasunod ng ikinasa nilang drug buy bust operation sa Brgy. 188 kahapon kung saan, tatlong kabataan ang arestado.
Kinilala ni Caloocan City Police Chief Col. Samuel Mina Jr. ang mga nahuli na sina Kalif Latif, 24 anyos, Akisah Latif, 18 anyos at isang 14 anyos na binatilyo.
Nasamsam sa mga ito ang aabot sa 46 na bloke ng shabu na may bigat na mahigit 25 kilo.
TINGNAN: Aabot sa P147-M shabu, nasabat sa 3 kabataang drug suspects sa Caloocan City. Courtesy: Radyo Pilipinas | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/k0obZgxNOe
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 22, 2020