Sasalang ngayong araw sa confirmation hearing ng Commission on Appointments sina Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., Environment Secretary Gina Lopez at Health Secretary Paulyn Ubial.
Ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel, bibigyan nila ng pagkakataon si Yasay na magpaliwanag kung bakit ito nag-apply ng US citizenship.
Samantala, dalawamput tatlong (23) oppositions ang naghihintay kay Lopez sa pagsalang nito mamaya sa hearing ng CA.
Iginiit ni Lopez na haharapin niya ang lahat ng kumokontra sa kanyang kumpirmasyon bagamat nangangamba siya na sangkot sa mining ang ilang mambabatas na miyembro ng Commission on Appointments.
Nanawagan ang kalihim ng DENR sa mga CA members na sangkot sa pagmimina na mag-inhibit sa kanyang kumpirmasyon.
By Meann Tanbio