Inihayag ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) na tatlo sa mga kandidata ang umatras sa pageant ngayong taon.
Opisyal na tinanggap ng BPCI, ang withdrawal nina Gwendoline Meliz Soriano, Ma. Francesca Taruc, at Iman Franchesca Cristal.
Ayon sa BPCI, dahil sa naturang development, magkakaroon ng mga bago sa latest batch ng mga kandidata kabilang na dito sina Patricia Ann Tan, Ma. Isabele David at Joanna Marie Rabei na kukumpleto sa top 40.