Pumalo na sa 11,674 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong dinapuan ng COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos na inilabas ng Department of Foreign Affairs, ito’y makaraang maitala ang 3 panibagong nagpositibo sa virus.
Isa naman ang naitalang bagong gumaling sa COVID-19, dahilan para umakyat ang total recoveries nito sa 7,565.
Sa kaparehong datos, walang naitalang bagong nasawi sa COVID-19, kaya’t nanatili ang bilang nito sa 846.