Nakapagtala ng tatlong bagong kaso ng mas nakakahawang South African variant ang lungsod ng Parañaque.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Paranaque, ang tatlong kaso ay mga returning Overseas Filipino Workers o OFW na naninirahan sa barangay Baclaran, Barangay Sun Valley and Barangay Don Bosco.
Nagmula ang dalawang kaso ng South African sa Dubai, United Arab Emirates.
Isinailalim naman agad sa quarantine ang tatlong naturang OFW.
Bukod dito, nagsimula na rin ang contact tracing at testing sa apat na raan nitong mga close contact.
Samantala, pinapaigting naman sa lungsod ang mas mahigpit na health protocols upang makontrol ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.— sa panulat ni Rashid Locsin