Nairaffle na sa Muntinlupa Regional Trial Court ang tatlong kasong isasampa kay Senadora Leila De Lima kaugnay sa umano’y kinalaman niya sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.
Napunta ang case number 17 – 165 sa branch 204 at hahawakan ito ni Executive Judge Juanita Guerrero.
Napunta naman sa branch 205 sa sala ni Judge Patria Manalastas-De Leon ang case number 17 -167 samantalang kay Judge Amelia Fabros-Corpuz ng Branch 206 ang case number 17 -168 na kung saan kinakaharap din nina dating BUCOR Chief Franklin Bucayu, dating staff ni Bucayo na si Wilfredo Elli, mga dating bodyguards ni De Lima na sina Dayan at Jonel Sanchez, pamangkin na si De Vera at NBP inmate JB Sebastian.
Walang piyansa ang mga kinahaharap ni De Lima na mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa comprehensive dangerous drugs act na may parusang kulong at multa.
By: Avee Devierte / Bert Mozo / Judith Larino