Tatlo katao ang patay, kabilang ang isang barangay secretary, matapos pagbabarilin ng 13 hindi pa nakikilalang mga salarin sa Calbayog City, Samar.
Kinilala ng Calabayog City police ang mga biktimang sina Mart Vicentino, 34-anyos, secretary ng barangay San Antonio at residente ng Purok 5, barangay Palale, Sta. Margarita;
Germa Wahingon, 22-anyos at Nilda De Pedro, 48, kapwa residente ng barangay Camperito, Sta. Margarita.
Nakaligtas naman sa insidente sina Remedios Diaz, Lerma Dulay at Julita Casaljay.
Naganap ang pananambang pasado alas-9 ng umaga kahapon sa barangay San Jose habang sakay ng habal-habal ang mga biktima.
Kinuha din umano ng isa sa mga salarin ang bag ng isa sa mga biktima at tumakas.
Inaalam na ang motibo sa pamamaslang at sino o anong grupo ang nasa likod ng krimen.