Tatlo (3) katao kabilang ang dalawang (2) babae na kaanak umano ng grupong Maute at nag-eespiya umano para sa mga terorista ang inaresto ng mga pulis sa Cagayan de Oro City, kahapon.
Nasa bahay na nirerentahan ni Irene Romato Idris sa Barangay Macasandig ang tatlo nang salakayin ng mga pulis dakong alas-4:30 ng umaga.
Ayon sa militar, nangangalap ng intelligence information sina Romato at Taher para sa ISIS-Maute.
Narekober mula sa mga suspek ang apat na M203 grenades, blasting cap, 9-volt battery, walong (8) piraso ng C4 explosive, eight pieces detonating cords at plastic bag at bottle.
Samantala, kinumpirma naman ni Mardy Hortillosa, Spokesperson ng Cagayan de Oro City Police na kaanak nina Omar at Abudallah Maute si Idris.
By Drew Nacino
3 espiya ng Maute-ISIS arestado sa Cagayan de Oro was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882