Umabot na sa tatlo ang nasawi matapos magpalabas ng air strike ang militar laban sa mga miyembro Daulah Islamiyah sa Lanao Del Sur kaninang umaga.
Ayon kay 1st Infantry Division Spokesperson Captain Mary Jepte Mañebog, dalawa sa mga nasawi ay miyembro umano ng terorista habang isa ang nasa panig ng gobyerno.
Isa naman ang nagugatan sa nangyari at patuloy na ginagamot.
Nasa 40 miyembro ng Daulah Islamiyah ang target ng operasyon ng pinagsanib na grupo ng 103rd Brigade ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP).
Layon ng air strike na maprotektahan ang grupo laban sa mga anti-personnel mines na inilatag ng Daulah Islamiyah.
Tiniyak naman na hindi gulo ang dahilan ng air strike dahil nais lamang nitong maipatupad ang safety laban sa terorismo. – sa panulat ni Abigail Malanday