Kinumpirma ng Office of Civil Defense na tatlong indibidwal ang namatay sa magkakasunod na epekto ng shear line at Intertropical Convergence Zone sa ilang bahagi ng bansa noong Disyembre.
Ayon kay OCD Undersecretary Ariel Nepomuceno, maliban sa mga nasawi, mayroon ding dalawang nawawala.
Sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na ang mga pag-ulang dala ng ITCZ ay nagdulot ng pagbaha at landslides sa ilang bahagi ng Davao Occidental, Davao Del Sur, at Davao Oriental noong December 26, 2024.
Aabot sa mahigit 16,000 pamilya ang naapektuhan ng ITCZ at mahigit 1,000 bahay ang napinsala.
Kaugnay nito, sinabi ni Usec. Nepomuceno na patuloy na makikipag-ugnayan ang mga otoridad sa pagasa upang paigtingin ang mga paghahanda sa epekto ng shear line at ITCZ.