Patay ang tatlo katao sa pananalasa ng typhoon ‘Ophelia’ sa katimugang bahagi ng Ireland.
Ayon sa Ireland Electricity Supply Board, mahigit tatlong daan at anim napung (360) bahay at mga establisyemento ang nawalan ng kuryente dahil sa bagyo at inaasahang madadagdagan pa ang bilang ng mga apektado sa mga susunod na oras.
Nasa isandaan at pitumpung (170) biyahe naman sa Dublin at Shannon Airports ang kinansela na dahil sa bagyo samantalang nananatiling nakasara ang mga ospital at public transport services sa Ireland.
Pinayuhan ni Prime Minister Leo Varadkar ang publiko na manatili na lamang sa kanilang bahay para makaiwas sa disgrasya.