Patay ang tatlo katao matapos sumiklab ang sunog sa Barangay Poblacion 2 sa Tagbilaran City.
Ayon kay Tagbilaran City Mayor Jane Yap, kabilang sa mga nasawi ang isang lalaki, babae at bata na natagpuang magkayakap sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na hindi pa pinapangalanan.
Nakaligtas naman ang isa pang miyembro ng pamilya na isang altar boy, na sa simbahan natulog nang maganap ang sunog.
Batay sa imbestigasyon ng City Fire Department sa lugar, nagsimula ang sunog dakong alas-12:10 ng umaga sa hindi matukoy na bahay.
Madali ito kumalat lalo’t karamihan sa mga bahay ay gawa sa kahoy at light materials na nakatupok ng limampung kabahayan na kinabibilangan ng 88 pamilya.
Sa ngayon, hindi pa matukoy ng mga fire investigator ang sanhi ng sunog gayundin ang halaga ng pinsala.