Kulong ang isang lalaki matapos mahuling walang suot na facemask at may bitbit na anim na kahon ng speaker na may lamang pinaghinihinalaang marijuana sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Police Col. Magno Gallora, hepe ng Moriones Police Station, nasita ang suspek sa kanto ng Asuncion at Recto sa may Divisoria dahil sa paglabag sa quarantine restriction at sa kahina-hinalang pagkilos nito.
Dito na kinapkapan ang lalaki at nakuha ang nasa halos tatlong kilong hinihinalang marijuana dried leaves na nakabalot pa sa plastik habang nasa loob ng mga speaker.
Ang mga nakumpiskang marijuana ay may street value na aabot sa mahigit tatlong daan limamput apat na libong piso.
Inaalam na ng mga pulis kung sino ang kasabwat ng suspek at kung saan binili ang mga nakumpiskang iligal na droga. —sa panulat ni Angelica Doctolero