Opisyal nang nagretiro ang 3 komisyoner ng Commission on Elections (Comelec) tatlong buwan bago ang 2022 national and local elections.
Ito’y matapos magsagawa ng retirement ceremony ang poll body para kay Comelec Chairman Sheriff Abas, Commissioner Rowena Guanzon, at Antonio Kho kahapon.
Habang ang natitira na lamang ay sina Commissioners Socorro Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino, at Rey Bulay.
Samantala, magsisilbing Acting Chairman of the Comelec naman si Commissioner Socorro Inting simula ngayong araw habang hinihintay ang ipapalit ni Pangulong Rodrigo Duterte.