Napalitan na ang tatlong chairman ng komite sa Kamara na natanggalan ng Chairmanship matapos bumoto laban sa death penalty bill ng administrasyong Duterte.
Nahalal si Lanao Del Sur Rep. Mauyag Papandayan jr. bilang bagong Chairman ng House Committee on Muslim Affairs, kapalit ni AMIN Partylist Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman na ngayon ay miyembro na lamang ng nasabing komite.
Itinalaga naman si LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty bilang Chairman ng House Committee on Natural Resources kung saan pinalitan niya si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.
Samantala, pamumunuan naman ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy ang House Committee on Public Information, kapalit ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio
Sina Zarate at Tinio na kapwa miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso, ay itinalaga bilang Senior Vice Chairpersons ng kinabibilangan nilang komite.
By: Meann Tanbio