Dinala na sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng Department of Health (DOH) ang 3 Koreanong nakitaan ng mga sintomas ng Middle East Respiratory Syndrome-Coronavirus o MERS-CoV.
Una ng isinailalim sa isolation sa Manila Doctors Hospital ang dalawang babae at lalaking Koreano na dumating sa bansa noong June 22.
Ayon kay Dr. Mario Juco, Director ng Manila Doctors, nilalagnat at nagsusuka ang tatlo nang dalhin sa kanila.
Hindi ito ang unang kaso ng mga pasyente na ini-reffer sa DOH upang masuri sa posibilidad ng MERS-CoV.
Tiniyak naman ng kagawaran na isasapubliko nila ang resulta ng pagsusuri sa mga pasyente sakaling mag-positibo ang mga ito sa naturang sakit.
By Drew Nacino