Negatibo sa Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV) ang 3 Korean nationals na isinalang sa pagsusuri sa RITM o Research Institute for Tropical Medicine.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, Spokesman ng Department of Health (DOH), boluntaryong nagtungo sa Manila Doctor’s Hospital ang 3 Korean nationals subalit inirekomenda ng ospital na lumipat sila sa RITM para sa pagsusuri.
Sinabi ni Lee Suy na walang ipinakikitang sintomas ang 3 Koreans nang dumating sa bansa subalit makaraan ang ilang araw ay nagkalagnat at ubo ang mga ito kaya’t nagtungo sila agad sa ospital.
By Len Aguirre