Aprubado na ng Food and Drug Administration o FDA ang aplikasyon para sa clinical trial ng mga Sinovac, Janssen pharmaceutical at Clover Pharmaceutical Company.
Kaugnay nito, sinabi ni FDA Dir. Gen. Undersecretary Eric Domingo, inaasahan nilang nagsimula na ang tatlong kumpanya sa pagsasagawa ng kanilang clinical trial sa bansa.
Ang resulta aniya ng clinical trials ang pinagbabasehan ng FDA kung dapat ba nilang isyuhan ng emergency use application ang isang bakuna.
Sinabi ni Domingo na maaari ring magsagawa pa ng panibagong clinical trial ang mga kumpanya dito sa bansa upang mapatunayan ang kakayahan ng kanilang bakuna