Tatlong lalaking umano’y sangkot sa droga at panghoholdap ang nasawi matapos manlaban sa mga pulis sa magkakahiwalay na anti-criminal operation sa Pateros, Las Pinas, at Pasay City.
Sa Pateros, agad na nasawi ang suspect na si Enrique Copia ng barangay Santa Ana.
Nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Sa Las Piñas, isa umanong holdaper at drug personality na kinilalang si Niko Topacio ang nasawi nang makaingkwentro nito ang mga tauhan ni Las Piñas City police Chief Senior Superintendent Jemar D. Modequillo sa isinagawa nilang “oplan rody.”
Sa Pasay City, patay ang suspect na si Jayson Reuyan “alias utoy” ng sitio San Juan, Don Carlos village, Pasay City matapos umano itong makipagbarilan sa mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency sa naturang lugar.
Narekober ng mga otoridad sa mga napatay na mga suspect ang mga baril na kalibre 38 at point nine millimeter at ilang plastic sachet na naglalaman na pinaniniwalaang shabu.
By: Avee Devierte / Allan Francisco