Arestado ang tatlong lalaki habang 5,000 piraso ng iligal na troso ang nasabat sa bayan ng Sta. Ana sa Cagayan.
Kinilala ang mga suspek na sina Boy Damaso, Johnny Damaso at Rodel Abaya, kapwa nakatira sa Brgy. San Vicente.
Ibinunyag naman ni Cagayan Valley police director Brig. General Crisaldo Nieves na ang mga hot lumber na kinabibilangan ng narra at kamagong ay pag-aari ng isang prominenteng negosyante sa Cauayan City sa Isabela.