Kalaboso ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng shabu ng awtoridad sa magkakahiwalay na lugar sa Cebu.
Narekober sa mga suspek na sina Epifanio Mangubat, 36-anyos at Segundo Funcion, 57-anyos ang hinihinalang shabu na nagkakahalagang P1.42 milyon sa Cebu City.
Habang sa Talisay City, nasamsam ng awtoridad sa naarestong suspek na si Roger Sarlatan ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P680.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—sa panulat ni Airiam Sancho