Ibinaba na ng IATF ang quarantine restrictions sa tatlong lalawigan.
Simula bukas, Oktubre 18 hanggang 31, ipinabatid ni presidential spokesman Harry Roque na nasa GCQ na ang Bulacan, Apayao at Capiz.
Ang Bulacan at Apayao ay una nang nasa ilalim ng MECQ samantalang nasa GCQ with heightened restrictions ang Capiz.