Makikipag pulong sa Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes ang tatlong maka kaliwang miyembro ng gabinete.
Pag uusapan nina Pangulong Duterte, NAPC Chair Liza Maza, DSWD Secretary Judy Taguiwalo at DAR Secretary Rafael Mariano ang natigil na Peacetalks sa CPP NPA NDF.
Sinabi ni Maza na ang Pangulo ang nagtakda ng kanilang pulong kung saan aniya gagamitin din nilang pagkakataon para makumbinsi ang Pangulo na irekunsider ang pagbubukas muli ng peacetalks sa maka kaliwang grupo.
Tiwala si Maza na pakikinggan ng Pangulo ang kanilang opinyon sa usapin na patunay nang itinakda nitong pakikipag pulong sa kanila kasama sina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at Labor Secretary Silvestre Bello III.
Binigyang diin ni Maza na mahalagang buhayin muli ang peacetalks lalo nat sesentro sa CASER o Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms ang susunod na yugto ng negosasyon.
By: Judith Larino / Aileen Taliping