Napatay ng US-led coalition na nakikipaglaban sa Islamic State militants sa Iraq at Syria ang Finance Minister ng grupo at dalawang (2) senior leaders sa katatapos na airstrikes.
Ito ay ayon sa tagapagsalita US Military.
Sinabi ni Army Colonel Steve Warren sa Pentagon briefing na napatay ng coalition strikes si Abu Salah, Islamic State’s Financial Minister, ganundin ang senior lider na responsable sa pakikipag-ugnayan ng grupo sa extortion activities at isa pang lider na tumatayong executive officer.
By Mariboy Ysibido