Magpapatupad ng tatlong linggong paghihigpit para sa mga bisita ang senado, simula sa Lunes.
Ito ang inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri, matapos magpositibo sa COVID-19 ang tatlong senador.
Nabatid na ang mga resource person na dadalo sa pagdinig ay oobligahing magpakita ng negative RT-PCR COVID-19 test na isinagawa 24 oras bago ang nakatakdang pagtungo nito sa senado o di kaya’y negative antigen COVID-19 test na ginawa 12 oras bago ang pagpasok sa gusali ng senado.
Samantala, bawat senador ay maaari lamang magsama ng dalawa sa kanyang mga staff, habang tanging ang chairperson ay maaaring magsama ng maraming staff sa mga committee hearing at plenary session.