Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang tatlong Low Pressure Area (LPA) na namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, isa sa tatlong nabanggit na sama ng panahon ang inaaasahang papasok na ng PAR sa loob ng 36 na oras.
Batay sa pinakahuling pagtaya ng PAGASA, huling namataan ang unang LPA sa layong 250 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Puerto Princesa City Palawan.
Nasa layong 111 kilometro hilaga-hilagang silangan naman ng Casiguran Aurora ang pangalawang LPA.
Habang nasa layong 1,500 kilometro silangan ng Mindanao naman ang pangatlo.
Bagama’t sinabi ng pagasa na mababa ang tsansang maging ganap na bagyo ang tatlong lpa, makaaapekto pa rin ito sa lagay ng panahon sa bansa.
Inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang bahagi ng Northern at Eastern Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, eastern portion ng Isabela at Kalayaan Islands dahil sa mga LPA.
Mahina hanggang katamtamang lakas naman ng ulan ang inaasahan sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Northern portion ng Quezon, Palawan, Eastern Visayas at Caraga Region.