Inaasahan ang matinding ulang ibubuhos ng Bagyong Dante sa lalawigan ng Samar kaya’t ibinabala ng PAGASA ang posibleng flashflood o landslide.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng Bagyong Dante ay pinakahuling namataan sa layong 290 kilometers hilagang-silangan ng Surigao City, Surigao Del Norte.
Taglay ng Bagyong Dante ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 90 kilometro kada oras.
Ang Bagyong Dante ay inaasahang kikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 ay nakataas samga sumusunod na lugar:
- Eastern Samar
- Samar
- Northern Samar
Nasa TCWS No. 1 naman ang mga sumusunod na lugar:
LUZON
- Masbate
- Sorsogon
- Albay
- Catanduanes
- Camarines Sur
- Camarines Norte
- southeastern portion of Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres)
VISAYAS
- Leyte
- Southern Leyte
- Biliran
- northern portion of Cebu (Catmon, Sogod, Borbon, Tabogon, City of Bogo, Medellin, Daanbantayan, San Remigio, Tabuelan) including Bantayan and Camotes Islands
MINDANAO
- northern portion of Surigao del Sur (San Agustin, Marihatag, Cagwait, City of Tandag, Bayabas, Tago, Cortes, Lanuza, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal, San Miguel)
- northern portion of Agusan del Sur (Sibagat)
- northern portion of Agusan del Norte (City of Cabadbaran, Santiago, Tubay, Jabonga, Kitcharao)
- Dinagat Islands
- Surigao del Norte