Apektado na rin ng ashfall mula sa Bulkang Mayon ang mga lungsod ng Tabaco gayundin ang bayan ng Malilipot at Malinao sa Albay.
Ito’y ayon sa Albay Public Safety and Emergency Management Office ay dahil sa pabagu-bagong ihip ng hangin sa harap na rin ng patuloy na aktibidad ng bulkan.
Ayon kay Dr. Cedric Daep, araw ng Huwebes nang bumagsak ang mga abo mula sa bulkan sa tatlong nabanggit na mga lugar sa lalawigan.
Ito aniya ang dahilan para magdulot ng pangamba sa mga residente sa mga nabanggit na lugar ang pag-ulan ng abo ruon na posibleng maka-apekto sa kanilang pang araw-araw na kabuhayan.
Posted by: Robert Eugenio