Isinailalim sa granular lockdown ang tatlong lugar sa Maynila matapos tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus disease.
Sa datos ng Philippine National Police (PNP), tatlong bahay sa nabanggit na lungsod ang nakapagtala ng COVID-19 cases.
Ayon sa pamahalaang lokal ng Maynila, kabilang sa tatlong lugar na isinailalim sa lockdown ay ang Tondo na nakapagtala ng 29 na bagong kaso, San Andres na may 12 bagong kaso habang tig pitong bagong kaso naman ang Pandacan at Sampaloc.
Sa uling ulat ng pamahalaang lokal, nasa 91 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod habang nasa mahigit 90,000 naman ang bilang ng mga gumaling o nakarekober sa naturang sakit at halos 1,700 naman ang bilang ng mga nasawi. —sa panulat ni Angelica Doctolero