Nangunguna ang lungsod ng Quezon City, Manila, at Pasig sa mga lugar na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay batay sa inilabas na datos ng OCTA Research at ng Department of Health (DOH).
Sa ibinahagi ni OCTA Fellow Guido David, ang Quezon City ay nakapagtala ng 1,074 bagong covid-19 cases na sinundan ng Maynila na may 449 kaso; Pasig, 436; Davao City, 433, at Caloocan City na may 331.
Sa kasalukuyan, ang reproduction number ng COVID-19 ng Pilipinas ay nasa 1.03 na dating 1.20 nuong nakaraang linggo.