Nagpositibo sa red tide ang tatlong lugar sa Visayas at Mindanao.
Base sa inilabas na bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), lahat ng klase ng shellfish at alamang sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas kainin:
- coastal waters ng Dauis, at Tagbilaran City sa Bohol
- Lianga Bay sa Surigao Del Sur
- Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur
Samantala, ligtas naman kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimasag basta huhugasan nang mabuti at lulutuin bago kainin.