Pinaghihinalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang 3 lider ng Lumad community sa Lianga, Surigao del Sur na napatay ng Magahat/Bagani paramilitary force na kinilalang sila Emerito Samarca, Executive Director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV), Dionel Campos, Chairperson ng Malahutayong Pakigbisog Alang sa Sumusunod (MAPASU) at pinsan nitong si Bello Sinzo.
Ayon kay Surigao del Sur Governor Johnny Pimentel, kinilala na ang tatlong suspek sa pagpaslang na sila Loloy Tejero, Bobby Tejero at Marito Layno, mga miyembro ng Magahat/Bagani paramilitary force.
Sinabi ni Pimentel na mga Lumad din at rebel returnees ang Magahat/Bagani paramilitary force na di umano’y ginagamit ng militar para labanan ang insurgency sa Surigao del Sur.
“Bagani-Magahat, mga Lumad din ito, former rebel returnees na parang paramilitary force to fight against communist insurgency pero ang nangyayari nga pati mga sibilyan idinadamay na din nila.” Pahayag ni Pimentel.
Sinampahan na ng kaso
Kinasuhan ng grupong Karapatan ang mga miyembro ng paramilitary group na Bagani dahil sa pagpaslang sa 3 tribal leader ng mga Lumad sa Surigao del Sur.
Bukod sa kasong murder, sinampahan din ng mga kasong pagnanakaw, pananakot at paninikil ang tatlo ang may 20 iba pa.
Isinampa ang kaso sa Lianga Prosecutor’s Office batay na rin sa pahayag ng ilang testigo sa pagpatay.
Una nang inihayag ni Surigao del Sur Governor Johnny Pimentel ang militar na siyang nasa likod ng pagbibigay ng armas at nag-utos sa mga militia na umatake sa kinaroroonan ng mga Lumad.
By Mariboy Ysibido | Jaymark Dagala | Ratsada Balita