Patay ang tatlong Lumad matapos umanong pagbabarilin ng mga sundalo mula sa Third Special Forces Batallion sa lianga, Surigao Del Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Willy Rodriguez, Lenie Rivas at kapatid nitong 12 anyos lamang na grade 6 student ng Tribal Filipino Program ng Surigao Del Sur.
Sinasabing kumukuha lamang ng abaca sa bukid ang mga biktima na nagpaalam pa sa mga sundalo.
Ayon sa Karapatan CARAGA ang mga labi ay dinala sa headquarters ng militar na nagsabing ang mga biktima ng New People’s Army.
Kinundena ng Kilusang Mayo Uno at Unyon ng mga manggagawa sa agrikultura ang insidente at iginiit ang imbestigasyon at pagpapanagot sa mga sundalo.