Tinukoy ng OCTA research team ang Makati, Baguio, Mandaluyong bilang high risk areas matapos makapagtala ng matataas na kaso ng COVID-19 nitong Oktubre 11 hanggang 17.
Nakapagtala ng 59 average cases ang Makati sa loob lamang ng isang linggo dahilan para masama ang lungsod sa high risk areas na sinundan naman ng Baguio na binuksan na sa mga turista ngayong araw.
Pumangatlo naman ang Mandaluyong City matapos magkaroon na lamang ng 15% hospital occupancy sa dami ng pasyente ng COVID-19 na na-admit sa ospital.
Samantala kabilang rin sa tinukoy ng OCTA na high risk areas ay ang Pasig, Pasay, Marikina, Iloilo at Ilagan sa Isabela.
Rekomendayson nito sa lokal na pamahalaan na mga kabilang na Lungsod na mas paigtingin ang COVID-19 testing, contact tracing at isolation upang huwag nang tumaas pa ang kaso nang mahahawaan ng virus.
Dagdag pa ng OCTA mas makabubuti kung mas magiging strikto sa kanilang mga border at ang mas agresibong implementasyon ng lockdown sa mga syudad.— sa panulat ni Agustina Nolasco