Nakapagpalabas na ng 3-M doses ng bakuna kontra COVID-19 ang Health Department sa NCR para magamit simula ngayong linggo.
Ayon kay Testing Czar Vince Dizon, magmula noong nakaraang linggo ay kanila nang inirelease ang milyon-milyong suplay ng bakuna.
Giit ni Dizon, sang-ayon ito sa ginagawang hakbang ng pamahalaan para pataasin pa ang bilang ng mga mababakunahan kontra COVID-19.
Gayundin ang pagsugpo ng nakahahawang Delta variant lalo na sa mga lugar na nakitaan na nito.