Aabot sa tatlong milyong mga bata ang nanganganib na tamaan ng measles sa pagtatapos ng taon.
Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, Director ng DOH Epidemiology Bureau, maraming batang edad lima pababa ang hindi nabakunahan laban sa sakit simula noong 2018.
Mula nang mag-umpisa ang taon, nakapagtala na ang Pilipinas ng 467 na kaso ng measles, na mas mataas ng 203% sa naitalang mga kaso noong 2021.
Pinakamaraming measles cases na naitala sa CALABRZON na may 84, sinundan ng Central Visayas, 63; at Metro Manila, 53.
Matatandaang ibinabala ng United Nations agencies ang posibleng measles outbreak sa bansa sa 2023 dahil sa mababang routine immunization rates sa mga bata.