Nakatakdang dumating sa Martes ang tatlong milyong doses ng moderna vaccines.
Ayon kay Deputy Chief Implementer of the National Task Force against COVID-19 Vince Dizon, ang nasabing vaccine doses ay bahagi ng donasyong mula sa gobyerno ng Estados Unidos.
Nagpasalamat naman ang opisyal sa US government para sa ipinagkaloob na COVID-19 vaccines sa bansa.
Binigyang-diin rin ni Dizon ang kahalagahan ng pagbabakuna sa gitna ng banta ng delta variant.
Mula Agosto 6 hanggang 20 ay ipatutupad ang enhanced community quarantine sa Metro Manila upang mapigilan ang pagkalat ng mas nakakahawang strain ng COVID-19.
Iginiit ni Dizon na gamitin ang panahon ng ECQ sa pagbabakuna, pag-test at pag-isolate.—sa panulat ni Hya Ludivico