Umabot na sa mahigit tatlong milyon ang mga naisagawang COVID-19 tests ng Philippine Red Cross (PRC) sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ito ang isiniwalat ni PRC chair at CEO Sen. Richard Gordon kasunod ng naitala nitong ‘2-million milestone’ noong Pebrero 2021.
Matatandaang nagpatayo rin ang PRC ng kauna-unahan nitong molecular laboratory para sa RT-PCR testing sa kanilang national headquarters bilang suporta sa laban ng pamahalaan kontra COVID-19.