Nasa tatlong milyon pang senior citizen sa Pilipinas ang hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni World Health Organization Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyansinghe sa gitna ng preparasyon para sa pagtuturok ng 3rd dose.
Ayon kay Abeyansinghe,mahalagang mabakunahan muna ng first at second doses ang elderly population bago simulan ang ikatlong dose ng COVID-19 vaccine.
Sa rekomendsyon ng DOH-WHO, pawang mga severely immuno-compromised at edad 60 pataas ang bibigyan ng ikatlong dose.
Batay naman sa national COVID-19 vaccination dashboard, naabot na sa 4,596,925 senior citizens sa ilalim ng A2 priority group ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.—sa panulat ni Drew Nacino