Iniimbestigahan na ng mga otoridad sa Atlanta, Georgia, sa ang posibleng ugnayan ng tatlong magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa mga massage parlor na ikinasawi ng walo katao.
Dalawa sa insidente ng pamamaril ay naganap sa magkatapat na spa sa Northeast Atlanta hbang ang isa naman ay sa Cherokee County na nasa hilagang kanluran ng Atlanta.
Kaagad naaresto ng mga pulis ang suspek sa pamamaril sa Cherokee County at ito ay nakilalang si Robert Aaron Long, 21-anyos at residente ng Woodstock sa Georgia.
Ang insidente ng pamamaril sa massage parlor sa Cherokee County ayon sa mga otoridad ay may layong 30 milya sa site ng Atlanta shooting o sa gold massage spa sa piedmont road na nangyari naman matapos ang isang oras kung saan tatlo katao ang nasawi.