Pinagsasaksak ang tatlong magpipinsan ng umano’y lasing nila na kabarangay sa Caoayan, Ilocos Sur.
Kinilala ang biktima na si Mark Jonathan Bagadio at dalawang pinsan nito na hindi pinangalanan, habang natukoy naman ang suspek na si Eljoric Llanes, 18 taong gulang.
Ayon kay Bagadio, nagkaroon sila ng kasiyahan sa kanilang bahay dahil sa dumating na pinsan, pero dumating umano ang lasing na suspek, at doon na nagkaroon ng kaguluhan.
Ayon sa Caoayan Police, nagkaroon muna suntukan bago naglabas ng patalim ang suspek at nanaksak, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.
Samantala, dalawa sa mga biktima ang nakalabas na ng ospital habang nananatili namang inoobserbahan ang isa pa dahil sa tinamong saksak sa tagiliran, wala pang pahayag ang suspek pero nagkausap na raw sa himpilan ng pulisya ang magkabilang panig. —sa panulat ni Mara Valle