Tatlong malalaking palengke sa Balintawak ang ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City bunsod ng iba’t ibang paglabag.
Nakasaad sa inilabas na cease and desist order ng Market Development and Administration Department ng QC, bigo ang mc, Cloverleaf at Riverview na makakuha ng sanitary permit, environmental clearance certificate at fire safety inspection dahilan para ipasara ang mga ito.
Una nang napatunayan ng lokal na pamahalaan na pawang walang building permit mula sa kanila ang mga naturang palengke na matagal nang nag-ooperate sa lungsod.
Nabisto rin sa isinagawang inspeksyon ang kawalang sewage treatment facilities ng mga nasabing palengke dahil sa direktang itinatapon sa kalapit na ilog ang mga duming nagmumula rito.
By Jaymark Dagala