Nareskyu ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard o PCG ang tatlong mangingisda sa karagatang sakop ng Bilar, Surigao del Norte.
Ayon sa mga biktima, agad silang humingi ng tulong sa Coast Guard Unit matapos lumubog ang “MB Thomas” na kanilang sinasakyan matapos hampasin ng malalaking alon.
Tiyempong naglalayag sa lugar ang BRP Bagacay na ginagamit sa relief mission para sa mga nasalanta ng bagyo at agad silang nagsagawa ng search and rescue operation.
Sa ngayon, nasa maayos na kondisyon ang tatlong mangingisda.—sa panulat ni Angelica Doctolero