Sibak sa puwesto ang tatlong hepe ng pulisya sa Metro Manila dahil sa kabiguan nilang matugunan ang problema sa illegal gambling sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Sa ipinalabas na memorandum ni NCRPO director Major General Debold Sinas, kabilang sa mga na-relieve si Caloocan City Police chief Col. Noel Flores, Pasay City Police chief Col. Bernard Yang, at Muntinlupa City Police chief Gerardo Umayao.
Ayon kay Sinas, ang pagsibak sa tatlong police chief ay alinsunod sa one strike policy sa iligal na sugal ni PNP chief General Archie Gamboa.
Samantala, papalit bilang hepe ng Caloocan Police si dating NPD Mobile Force Commander Col. Dario Menorhabang, uupo naman bilang bagong Muntinlupa City Police chief si dating EPD Mobile Force chief Col. Hermogenes Duque.
Itinalaga naman ni Sinas bilang officer in charge (OIC) ng Pasay Police si Lt. Col. Deanry Romualdo Francisco habang naghahanap pa aniya siya ng kapalit ni Yang.