Naglatag ng tatlong marching orders si Pangulong Rodrigo Duterte para kay bagong talagang Philippine National Police (PNP) Chief, Lt. General Camilo Cascolan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang dito ang pagtiyak na maitataguyod ng pulisya ang konstitusyon at rule of law, paglilinis sa hanay ng pulisya at pagpapatuloy sa war on drugs.
Sinabi ni Roque, dinoble ni Pangulong Duterte ang sahod ng mga pulis at sundalo para maiwas ang mga ito sa korapsyon.
Dagdag ng kalihim, malapit sa puso ni Pangulong Duterte ang kampanya kontra ilegal na droga at marami na rin aniya itong nakamit kaya nararapat lamang maipagpatuloy ang tagumpay nito.
Iginiit din ni Roque na naniniwala si Pangulong Duterte sa kakayahan ni Cascolan na pamunuan ang PNP sa kabilang ng maikling panahon lamang sa puwesto dahil sa nakatakda na ring pagreretiro sa ika-10 ng Nobyembre.