Patay ang tatlong menor-de-edad at isang guro sa naganap na sunog sa Pagdugue, Dumangas, Iloilo.
Ayon sa mga tauhan ng Dumangas Municipal Police Station, hindi umano nakalabas ang mag-iina sa nasusunog na bahay na gawa umano sa mga light materials.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente para malaman kung ano ang dahilan ng sunog.—sa panulat ni Angelica Doctolero